Skip to content

“Time Stands Still” by The All-American Rejects (from Collide Season 1, Episode 14)

 

TITLE: Time Stands Still
ARTIST: The All-American Rejects
ALBUM: The All-American Rejects (2002)

Complete lyrics here

Collide (Season 1, Episode 14)

DISCLAIMER: This is a work of fiction and views expressed come solely from me. Any resemblance to previously existing written works and any person (living or dead) or events is purely coincidental. This may contain strong language, sexual scenes and other themes intended for a mature audience. If this offends you, kindly leave this site. Please do not copy or use without my expressed written permission. Use of excerpts or links from this blog is permissible though, provided that credit is explicitly given to CLOSET CHRONICLES with appropriate and specific reference to the original content. For comments, suggestions and reactions regarding this blog and its contents, email me at thisistheclosetchronicles@gmail.com. Thanks!

__________

“Nakaka-magkano na ko so far?” Tanong ni Karen sa best friend nitong si Toff na ginagamit ang calculator ng kanyang cellphone. Sinamahan siya ng huli sa paggo-grocery nito. Kasalukuyan silang nasa canned meat section at si Toff ang tagatulak ng shopping cart habang ang best friend naman nito ang nagtitingin ng mga produktong nasa shelves.

“Running total is P1721.07. Pasok pa naman sa P2000 na budget mo. Wag mo nga pala munang gagamitin yang credit card mo ha.”

“Yey, amazing! Pero daig ka pa rin ni Drew kasi kaya niyang i-compute yan mentally. Kaso ayun, nagkulong na naman siya sa kwarto niya.”

“Pasensya naman teh. Noong nagsabog kasi ang langit ng kagalingan sa Math, pareho ata tayong napasarap ng pagbu-beauty rest.”

“Hahaha. Pero mas magaling ka naman sa kin sa Math, yun nga lang kelangan mo pa ng calculator.”

“Talaga bang ganung katahimik ang pinsan mo?” Pag-iiba ni Toff ng usapan.

“Ganun na talaga yun ever since. To be fair though, mas close kasi ako dun kay Adam, yung younger brother niya. Ngayon lang talaga kami nabigyan ng chance na magka-bond, maski papaano.”

“Pero marunong naman yung magsalita no?”

“OA nito! Oo naman. May rare occasions na nagiging madaldal siya, lalo na kapag he finds the topic engaging. May pagka-techie yang si Drew. Minsan sa kanya ako nagpapaturo ng paggamit ng MS Office and kahit yung paggalaw sa settings ng laptop ko. Well, IT ba naman ang field niya eh. And pareho nga pala kayong Maroons, pero 2 batches ahead tayo sa kanya.”

Sa puntong yun, pangiti-ngiti si Toff habang nakikinig sa kwento ni Karen, na nahalata naman ng huli.

“Teka, bakit na-curious kang malaman ang tungkol sa pinsan ko? Kapag lalake talaga ang topic..”

“Bakit ba? Ikaw nga dyan eh, masyado kang na-enganyong mag-share tungkol sa kanya. Teh, alam kong may bahid ka ng pagka-kinky pero tandaan na incest is still frowned upon in most societies.”

“Siraulo ka, Villegas!” Hinablot ni Karen ang isang lata ng luncheon meat na animo’y iaasinta niya sa kasama. Parang bata namang naglalaro ng taguan si Toff habang nakaupo sa sahig at nakakapit sa gilid ng shopping cart. Maya-maya pa’y nagtawanan na lang sila nang napansin nilang nakatingin sa kanila ang dalawang saleslady na nakapwesto di kalayuan sa kanila.

“Kahit noong mga bata pa kami gusto ko nang maging ka-close yun. He’s always been an achiever, yet parang wala siyang kayabang-yabang sa katawan. Ang sarap ipagmalaki na konektado ka sa tipo ni Andrew Ocampo.”

“Di ka naman fan girl nang lagay na yan teh? Sige tutal aminan time naman ‘to, may ispluk ako sa ‘yo. I find Drew kinda cute, well in a geeky sorta way. Siguro, kelangan lang niya ng konting makeover at maging sociable nang konti para mag-shine siya.” Humina nang konti ang boses ni Toff, pero may himig ng kilig ang tono ng kanyang pananalita.

“Sabi na nga eh, type mo ang pinsan ko eh. Ikaw talaga, ambilis mong mag-fall. Di ka na natuto sa mga naging ex mo. Eto ha, di pa natin alam kung ano ba ang hanap ni Drew. And another thing, di ko pa ata nasabi sa ‘yo na may pagka-conservative ang background ni insan, lalo na’t Born-again Christian sila.”

“Hmmm, buti nasabi mo sa ‘kin ang tungkol sa mga bagay na yan. Eto ha tutal best friend ko kausap ko, didiretsahin na kita. Kung kelangang daanin sa tiyaga yang si Drew, go lang ako. Bihira ko lang ‘tong gagawin dahil ako ang kadalasang nililigawan.”

“Ang haba ng buhok mo, umaabot dito sa dibdib ko. Kalbuhin kaya natin?” Lumabi si Toff. Alam ni Karen kung gaano ka-vain ang best friend pagdating sa sarili. Hindi aakalaing high school teacher siya kapag nakaporma.

“On a serious note, alam mo namang kahit gaano ka katanga minsan pagdating sa pag-ibig eh suportado kita sa lahat ng mga naging ka-love team mo. Kaso ibang usapan si insan. Nasabi ko na sa’yo ang mga dapat mong malaman, and nasa sa iyo na kung paano ka kikilos. Tandaan mo lang na kadugo ko yan kaya siguraduhin mo lang na umayos ka kung seseryosohin mo yang balak mo. Maliwanag ba?” Bagamat nakangiti pa rin si Karen, na-sense ni Toff na seryoso ang best friend niya.

“Hay naku, daig mo pa ang nanay niya kung makabakod. Joke! Well, I hope we can be friends then let’s see. Basta tulungan mo ko ha.”

Sa puntong yun, napili na ni Karen ang brand ng corned beef na bibilhin niya at kumuha siya ng ilang lata nito upang ilagay sa shopping cart. Samantala, tahimik na nag-iisip si Toff habang itinutulak pa rin nito ang shopping cart patungo sa kabilang section.

__________

Nakatuon ang atensyon ni Drew sa kanyang laptop. Graduation gift sa kanya ‘to ng kanyang mga magulang. Anila, bagama’t di umabot ang GWA (General Weighted Averge) niya sa minimum na required para maging cum laude, nakita naman nila kung gaano ito nagsunog ng kilay sa pag-aaral even though uwian siya noong college.

Hindi mahilig si Drew na makisawsaw sa usapan, unless siya ang direktang kinausap. Kaya natural lang sa kanya na manatiling tahimik noong kasama niya sina Karen at Toff over breakfast. Di niya makaila though na naaliw siya nang husto sa pagkukulitan ng dalawa, bagama’t may konting inggit din siyang naramdaman. Dumating pa siya sa point dati na naitatanong niya sa sarili kung masama ba siyang tao dahil kahit may mga kaibigan naman siya eh never siyang nagkaroon ng best friend. Kahit doon sa church na ina-attend-an nilang mag-anak, wala siyang ma-consider na matalik na kaibigan dahil may kanya-kanyang mga close circle ang mga ka-edaran niya roon.

Isa pang rason kaya piniling tumahimik ni Drew ay upang ma-obserbahan niya nang husto ang bagong kakilalang si Toff.

Bumalik sa kanyang alaala ang blockmate niyang si Clyde. Madalas itong late kung pumasok sa common classes nila at sa bandang likod ng classroom naka-puwesto. Matangkad ito at may angas ito kung pumorma, animo’y miyembro siya ng isang banda. Sinubukan niya itong kaibiganin, pero hindi naging madali para kay Drew dahil bukod sa Math 63 (Calculus 1) kung saan sila magkaklase, wala silang common na schedule. Nalaman na lang niya noong sumunod na semester na nag-shift na si Clyde to another college. Nanghinayang si Drew, subalit tila natabunan din ng mga pinagkakaabalahan niya ang alaala ng blockmate.

Minsan noong 3rd year siya, nakasalubong niya uli si Clyde malapit sa Main Library at nagkamustahan sila nang konti. Maya-maya pa’y may lumapit na lalaki sa kanilang dalawa. Halos pareho sila ng features ni Clyde, bagama’t mas distinguished ang facial hair nito. Walang hesitasyong inabot nito ang kaliwang kamay ni Clyde at ginantihan naman ito ng huli ng isang smack sa labi. Nahiya nang bahagya ang bagong dating at humingi pa siya ng paumahin kay Drew. Nagpakilala itong si Greg, one batch higher kay Clyde sa bagong course nito. Sa puntong yun ay nagpaalaman na ang dalawa kay Drew. Bago pumasok ng library, lumingon si Drew at nasaksihan niya kung gaano katamis ang dalawa habang naglalakad at patuloy pa ring magkahawak ang mga kamay nito na tila ba silang dalawa lang ang nasa paligid.

Wala pang kalahating oras niyang nakikilala si Toff, na-sense na ni Drew na iba ito sa mga lalaking nakakasalamuha niya. Hindi niya ma-explain kung bakit pero naalala niya kay Toff ang katauhan ni Clyde. Hindi rin niya lubos maisip na may kaibigan ang pinsan niya na ganung kakisig. Gaya rin ng reaksyon ng maraming nakakakilala kina Karen at Toff, may konting panghihinayang sa parte niya nang nalaman niyang hindi magkatuluyan sina Karen at Toff. Sa tingin ni Drew, para silang perfect couple in the sense na parehong lutang ang mga angking itsura nila at komportable silang makasama ang isa’t isa.

Gayumpaman, gusto samantalahin ni Drew ang pagkakataong mas makilala pa ang best friend ng kanyang ate. Matagal na rin mula noong huli siyang nagkaroon ng bagong kaibigan at sa tingin niya’y OK naman si Toff kahit may kadaldalan din ito katulad ng nakakatandang pinsan niya.

Nag-login si Drew sa kanyang Facebook account at itinype niya ang “Toff Villegas” sa search box. Ilang mga profiles din ang lumitaw sa search results. Inisa-isa niyang tingnan ang mga larawang andito, hanggang makita niya ang larawan ng isang lalaking naka-board shorts lang at naka-shades habang nasa beach ito. “Kristoffer Meneses Villegas” ang pangalan ng nasa profile at di niya makakailang ito ang hinahanap niya, lalo pa’t mutual friend nila si Karen. Kinlick niya ang larawan at naaliw siya habang binabasa ang mga nakapaskil sa Facebook wall nito. Kinlick niya ang Add Friend button at nag-iwan ito ng maikling mensahe kay Toff bago niya i-sendang friend request.

Naramdaman niya ang eye strain dahil sa tagal ng pagkakatutok niya sa screen ng kanyang laptop. Iniwan niya muna ito upang makapaglakad-lakad nang saglit sa loob ng kanyang kwarto. Sa kanyang pagmamasid, natuon ang atensyon niya sa iPod na nakapatong sa kanyang nightstand. Naiwan ito ng lalaking tinawag nina Karen at Toff na “Kuya Mike”, ang istrangherong naghatid sa kanya sa apartment noong nakaraang gabi. Kinuha niya ito upang tingnan ang mga kantang naka-save dun. May mga artists dun na hindi niya kilala, tapos may mga artists din na kilala niya pero di niya gusto ang genre ng mga ito. May mga artists din dun na gusto niya at namangha siya dahil kumpleto ang discography ng mga ito, at maging ang mga B-sides at rare tracks ay andun. At napansin din niya na may mangilan-ngilang artists na iilang kanta lang ang andun.

What's inside Mike's iPod?

May ideyang pumasok sa isip niya. Nahanap niya ang spare niyang cable na pang-connect ng iPod sa laptop at ikinabit niya ito sa USB port. Tumungo siya sa isang torrent search site upang maghanap ng albums ng ibang artists na napansin ni Drew na kulang sa iPod ni Mike. Nang nagsimula na ang pag-download, kinopya niya sa kanyang external hard drive ang ibang mga kantang nasa iPod. Sinimulan na rin niyang patugtugin ang mga kanta sa iTunes player niya. Napapangiti si Drew habang nakikita niyang unti-unting nasasakatuparan ang balak niya na maski papaano’y makabawi sa perwisyo at mapasalamatan niya ang lalaking di pa niya nakikilala.

Nang natapos ang pag-transfer ng mga songs mula sa iPod, lumabas muna si Drew ng kwarto at iniwan niya ang laptop niya habang patuloy pa rin ang pagda-download ng mga mp3. Kung nag-refresh lang siya ng Facebook noong mga oras na yun, marahil nakita niya ang mga photos kung saan naka-tag sina Calvin Arguelles at ang kasintahan nitong si Veronica Manlangit.
__________

“Grrreat, it’s Monday yet again. Happy happy joy joy!”

Wala pang 5AM nang bumangon si Mike upang bunuin na naman ang apat na araw na pakikibaka sa Blast FM. Mondays to Thursday 6AM-10AM ang show niyang Blastful Mornings kung saan kapartner niya si Monique Santillan. May office work din siya pagkatapos sa nasabing istasyon. Off siya from Fridays to Sundays, subalit parang nagdaan lang ang tatlong araw na bakante siya. Dahil sa inaabot siya ng siyam-siyam sa pagpapaligo ng buhok niyang naka-dreadlocks, nagsa-shampoo na siya kinagabihan, kaya madaliang pag-shower lang ang ginawa niya at agad na siyang nagbihis.

Several things happened last Friday night na out of the typical sa kanyang simpleng mundo. Nariyan yung pinag-host siya ng isang event at nagawa siyang i-ditch last minute ni Monique, nasukahan ang kanyang paboritong hoodie, nag-krus uli ang landas nila ng mga dating kaibigang sina Karen at Toff at ang ilang minutong pagyakap sa kanya ng binatang nagngangalang Drew habang nakahiga sila sa kama nito. Sa sobrang pagkalito niya, naiwan niya sa apartment nina Karen ang dalawa sa pinakamahalagang materyal na bagay sa kanya. Kung ibang tao lang ito, hindi siya magdadalawang-isip na balikan agad ang mga gamit. Subalit merong part of him na hindi pa rin totally makalet-go sa nakaraan nila ni Toff. Bagama’t sinabi niya sa dating roommate na naka-move on na dapat siya sa insidenteng yun, looking back tila sarili lang niya ang kinukumbinse niya.

Andiyan din ang pagpasok sa eksena ni Drew. Maliban sa pangalan nito at alam niyang pinsan ito ni Karen, hindi pa nabigyan ng pagkakataong magkakilala silang dalawa ni Mike. Hindi maalis sa isip niya ang tila inosenteng si Drew, kahit na lasing ito noong nakilala niya at umiyak ito noong magkasama sila sa kwarto nito. There’s a part of him na naintriga siya sa bagong nakilala, pero nababahala siya na baka maulit na naman ang episode nila ni Toff sa katauhan ni Drew.

Amidst this internal conflict na para bang siyang ang nagpapakomplikado ng mga bagay-bagay para sa sarili, naalala niya ang minsang sinabi sa kanya ng dating boss noong nasa AMP Radio pa siya na si Simon Alcantara.

“Mike, I want you to be happy. I really do.”

“What if the first step to being happy is to let go of overthinking and take the leap forward? Always easier said than done, but let’s take it one step at a time.” Tanging nasaisip ni Mike habang palabas na siya ng lobby ng kanyang tinutuluyang condo.

__________

5:30AM nang narating ni Mike ang building kung nasaan ang kanyang pinagtatrabahuhang istasyon, ang gusali rin kung saan nagsimula ang aksidenteng pagkakapasok niya sa mundo ng FM radio broadcasting.

Dahil sister stations ang AMP Radio at Blast FM, nasa iisang building lang sila, magkaiba nga lang ng palapag. Bagama’t sa 8th floor ang studio ng Blast FM, napagpasiyahan ni Mike na sumaglit muna sa 7th floor kung nasaan ang dating pinagtatrabahuhan. Nakita niya sa labas ng studio na nagpalit na ng sign sa pinto nito.

Barkada FM. D2 na tau mga Bru at Cyst.

“Jesus Christ! Is this how you bastardize a once legendary station?” Hindi kagandahan ang timpla ni Mike pagkagising niya at sa puntong ito ay nagliliyab na siya sa pagkabuwisit. Agad niyang hinablot ang isang film container kung saan niya isinisiksik ang mga barya niya at inihagis ito sa pinto ng studio. Malakas ang pagkakatama nito na tila nagbalik sa katinuan ni Mike at agad siyang kumaripas ng tumakbo patungo sa kalapit na fire exit.

Samantala, bumukas ang pinto ng studio at napalingon ang lalaking andun sa direksyon ng pasarang fire exit.

__________

“Earth to Mikee, I can’t hear you. Guys, my partner here is zoned out right this very moment. If anyone of you has found his soul roaming somewhere, please be charitable enough to lead it back to our studio.”

Bumanat na naman si Monique on-air, at the expense of his new partner. Una, ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Mikee. Pangalawa, ayaw niyang ginagawa siyang tampulan ng hirit, lalo na kapag nakasalang na sila.

“Hey, I’m not. Have you experienced waking up at the wrong side of your bed?” Hindi pinansin ni Monique si Mike at nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.

“Hey guys, he’s back. Hooray! Anyway, here’s a requested track and you’re listening to Blastful Mornings.”

Nang-mag commercial break, agarang binweltahan ni Mike si Monique.

“Monique, it seems like you’re yet to tire yourself from all this welcoming shit.”

“Mikee baby, chillax. I’m your one-woman welcome committee and I’ll make sure you’re always welcome every single day of your stay here, as long as you and I are together. Sadly for both of us, that’s just how the cookie crumbles. What’s a girl like me supposed to do but to make positive out of this situation. Now Mikee, make me proud ‘coz I’ll make certain that you’re in for a treat when we go back on air.”

Pagkatapos ng commercial, binasa muna ni Monique ang top of the hour news bago nagpatuloy ang kanilang morning show.

“Hey guys, welcome back to Blastful Mornings with Monique and Mikee. During the break, my partner here has suggested something to spice up our show. Well, it’s been a while since we’ve done some daring challenges on-air. And of course, what better way to resume that segment of our show than to let my new partner here perform a challenge.”

“Wait a sec, what’s she up to this time around?” Sa isip-isip na lang ni Mike.

“Now, Mikee here has some legendary hair. His thick dreadlocks reach past his shoulders. Now I wonder how man enough my partner is to let go of all his crowning glory.”

“Hey, what the..?!”

“Awww c’mon Mikee, don’t tell me that you’re gonna wimp out on this.”

“Of course I’m not..”

“Great. Now guys, we give you the power to determine Mikee’s fate here. We’re opening up the hotline and you guys call us up and answer this simple question: Do you want Mikee’s hair shaved off, YES or NO? What does this mean for you partner? You need 5 No’s from our listeners so that your dreadlocks stay alive. Otherwise, say goodbye to your hair by Thursday.”

“Do I ever get to have my say here? C’mon, this is my hair.” Parang batang nagmamakaawa ang mukha ni Mike noong mga oras na yun, na tila tinawanan lang ng kanyang ka-partner.

“Hey, this is exciting. Just hang on to your seat, my partner. Who knows, this could still be your lucky day.”

At isa-isa nang tumawag ang kanilang mga listeners upang magbigay ng kanilang mga opinyon.

“Hell yeah. It’s been a while since you’ve done this segment.” – Brando from Mandaluyong

“Nah. Why bring back this segment? The last time you’ve done this, your show got suspended.” – Ric from Makati City

“No. Bata pa lang ako nakikinig na ko sa kanya at alam kong ganyan na ang hairstyle niya.” – WannabeRockstar

“Yes. Mike, I still love you with or without hair.” – Sandy from Poveda

“No. His hair is perfection.” – some anonymous caller

“Yes. This is exciting. Can I drop by your studio to see Mike’s new look?” – Sarah from QC

“No. I wanna see Monique’s hair chopped off first. I think that’ll be waaay more sexier.” – Rudolf from Paranaque

“Current tally stands at 4-3, in favor of the No’s. Crap, looks like I’m losing huh.” Hirit ni Monique pagkatapos marinig ang feedback ng mga callers sa suhestyon niya.

“Our listeners love me. Ha!” Tila na-excite na rin nang konti si Mike sa pakulong ito ni Monique.

“Let’s see. It ain’t over yet.” Mapaghamon na tugon ni Monique, habang nagbigay ito ng mapang-asar na ngiti sa kapartner.

“Yes yes yes! Mahilig ako sa mukhang ex-con. Papa Mikee, I wanna have your babies!” – BekingBeeyotch

“Now, this is getting exciting! The last caller determines your fate, my partner. A yes and we will have some on-air shearing session this coming Thursday.” Malapad ang ngiti ni Monique sa puntong yun, dahilan upang lumala ang nerbyos ni Mike.

“This bitch is killing me. Heavens, if there is a god up there, spare me some mercy!” Napapabuntung-hininga na lang si Mike habang ina-anticipate niya ang kasunod na caller.

“Hello?” May excitement sa tono ni Monique habang in-acknowledge niya ang caller na noo’y nakasalang na on-air.

“Hey bitch. I know this game you’re playing. You don’t have to know who I am, but I’m sure your partner knows me well enough. I hope that this will be the last stunt that you’re gonna pull at his expense or else I’ll make damn sure that your dirty little secrets will be exposed.”

“Good lord, I know that voice. Holy cow!” Sa puntong iyon, nanatili na lang na tahimik si Mike habang hinihintay ang kapalarang wala siyang kakontrol-kontrol.

“So, is that a yes or a no?” Tila nagngingitngit na si Monique dahil di niya in-expect ang mga binitawang salita ng caller at hindi niya makilala kung sino ito, pero pinilit pa rin niyang magpaka-professional lalo na’t on air sila.

“Well, I’ve always wondered how your partner looks like without all that mess he calls hair. I’ll give you your share of fun for now, so carry on.”

“Fucking son of a gun, I. AM. SOOO. FUCKING. DOOMED!” Tila nawalan ng kulay ang mukha ni Mike noong mga oras na yun, habang unconsciously niyang hinawak-hawakan ang ipinagmamalaking buhok na pinahaba niya sa loob ng matagal na ring panahon.

“Alright, that’s about it. Mark your calendars as we’ll be saying goodbye to Mikee’s hair on Thursday. In the meantime, we cut to a quick commercial break. This is Blastful Mornings.”

Agad na in-off ni Monique ang mikropono at nagulantang ang lahat nang inihagis nito ang kanyang mug sa sahig. Nilapitan nito ang intern na nag-screen ng mga calls at nakatikim ito ng paninigaw mula sa babaeng DJ. Napaiyak na lang ang kawawang intern habang dali-daling tinungo ni Monique ang pinto at binalibag ito sa palabas niya ng studio. Nanatili na lang tulala si Mike nang senyasan ito na mag-resume na uli ang kanilang show. Tila sanay na ang mga andun sa ugali ng kawo-walk out lang na si Monique.

“Hey guys, we’re amidst some temporary difficulties. In the meantime, feel free to send your requests over our Facebook and Twitter pages. I’ll be chatting with you in a sec. I’m Mike and you’re listening to Blastful Mornings, only here on Blast FM.”

__________

“Drew, baba kami nina Ian sa Ministop. Sama ka?” Nilapitan ni Raffy ang kasalukuyang naka-headset na si Drew, habang naka-focus ito sa monitor niya.

“Pass muna ko.” Tinanggal ni Drew ang nakasuot na headset at in-acknowledge ang teammate.

“Oy, kakatapos lang natin mag-deploy noong Friday ha. Petiks mode naman dyan tutal medyo light pa naman tayo until tomorrow.”

“Nabasa nyo na ba yung email ni Pau? Gusto niyang mag-emergency release to Production within the next hour. May nakita kasing bug yung client over the weekend kaya eto ini-investigate ko na.”

“Ay, sayang! Nabitin pa naman kaming kasama ka noong Friday. Magpapabili ka ba?”

“Hmmm, sige kahit Mountain Dew na lang. Thanks and pasensya na Raffy ha.”

“O siya, ano pa ba ang magagawa namin..? Buti na lang talaga you’re on top of things.”

Iniwan na si Drew ng mga kasamahan nito at patuloy lang niyang tiningnan ang code ng kanilang software. Isinuot niya uli ang kanyang headset habang nakikinig sa mga kanta na nasa iPod ni Mike.

__________

Nag-inat muna si Drew at napagdesisyunang tunguhin ang pantry upang punuin ng tubig ang kanyang container. Napukaw ang atensyon niya ng nakaupo sa isa sa mga mesa. Nagsosolo ito habang nakatingin sa may bintana.

“Lorie?” Tila binasag ni Drew ang konsentrasyon ng kasama, kaya medyo nagitla ang huli nang tinawag ang kanyang pangalan.

“Hey Drew, kanina ka pa?” Napansin ni Drew na parang kagagaling lang sa pag-iyak ni Lorie. Agad namang pinunasan ng huli ang kanyang mga mata gamit ang kanyang panyo.

“Ngayon lang. Medyo malayo kasi ang tingin mo.”

“I just need to unwind a bit. Nagkasagutan kasi kami ni Ganesh sa email kanina. Mag-eeffort kang mag-code tapos iba pala ang gustong ipagawa. Hay naku, sakit sa ulo nung taong yun.”

“Don’t blame yourself for that production issue. We’re a team di ba? Hay, I gotta concede though na di madaling makipag-communicate sa kanya. Kelan ba kasi babalik si Sandra?”

“Onga, sana bumalik na si Sandra from her maternity leave. Di hamak na mas matinong kausap yun.” Ang Indian na si Ganesh ang pansamantalang pumalit kay Sandra bilang business analyst sa project nila, habang nakabakasyon pa ang huli. Pareho silang naka-base sa Wellington, New Zealand.

“Anyway, kelangan mo na bang bumalik sa station mo?” Pag-iba ni Lorie sa usapan.

“Hmmm, hindi pa naman. Kelangan ko ring mag-logical break kasi naubos ang brain cells ko sa pag-ayos ng bug. Hahaha. Yeah, what’s up?”

“I’m sorry about last Friday.”

“No need to apologize. Kung tutuusin, ako dapat ang mag-sorry kasi iniwan ko na lang kayo eh.”

“Well, I kinda sensed na something was off with you at some point kaya bigla kang umalis. I think may nagawa ako eh. I swear, I just wanna lighten you up, pero apparently it didn’t sit well with you.”

“I’m OK and you don’t have to beat yourself up.” Ningitian na lang ni Drew si Lorie upang i-assure ito na hindi na big deal sa kanya ang nangyari noong Friday.

“Drew?”

“Yup?”

“If you need someone to talk to, don’t hesitate to approach me ha.”

“Oh, alright. Thanks Lorie. Anyway, balik na ko sa desk ko. Sunod ka na rin kasi baka mag-Production na tayo maya-maya.”

__________

“I’m sorry, Miss Paredes, but it seems that you’re more qualified for the senior position. Unfortunately, we’re not looking for one at the moment.”
“With due respect Ma’am, how can you say that I’m overqualified for this job opening? I’ve been working for just a little over 3 years and I don’t think I’m experienced enough for a senior role.”

“Based on your answers, you seem to be underqualified for the role that we’re looking for.”
“What? The other interviewer said I’m overqualified and now you’re telling me that I’m underqualified.” Sa isip-isip na lang ni Karen habang palabas siya ng opisina.

“Karen hija, we don’t have any vacant account executive positions at the moment. But looking at you right now, are you willing to pose for.. err accept other positions in the meantime? Say, be my executive secretary?”
“No, not in a million years.” Gustong sabihin ni Karen sa matandang lalaki na nag-interview sa kanya, pero sa halip ay sinabi niyang “Sir, thank you for your gracious offer, but I have to think about it. Anyway, I don’t wanna waste your precious time. I’ll just go ahead.”

“We will get back to you as soon as the HR has reviewed your resume. Just wait for our call.”
“Mercy, paki-shred naman ‘tong document. Thank you.” Sabi ng HR manager sa isa sa kanyang mga staff nang nakaalis na si Karen ng kanilang opisina.

__________

“Beks, pwede ka ba ngayon?” Nakailang kompanya rin ang pinuntahan ni Karen nitong mga nagdaang araw at haggard na siya. Agad niyang tinawagan si Toff at nagbakasakaling may oras ito para sa kanya.

“Napapadalas ang pagkikita natin lately ha. Anong ganap?”

“Eto naman 2nd time pa lang within the past week. Emergency.”

“Emergency, as in I’m down and I need someone to perk me up? Buti na lang at nasa retreat yung isang 4th year section kaya I can leave a bit earlier than usual. Tamang-tama rin pala kasi I have something for you. Saan kita pupuntahan?”

_________

“Am I not competent enough?” Tanong ni Karen sa best friend nito habang ginagalaw ang large fries niya. Tumambay sila sa isang fastfood along Ayala Avenue dahil hindi sila makapag-desisyon nang maayos kung saan sila magme-meryenda.

“You are competent. Isipin mo na lang na recession right now at di lang ikaw ang na-reject-an ng job application. Besides, wala ka pa namang one week na naghahanap.”

“Eh paano kung totoo nga yung sinabi ni Sir Dennis na haharangin nila ang lahat ng job applications ko? Toff, ayokong mag-start uli in another field. 3 years of my life na rin ang nasayang ko sa advertising agency na yun.

“Hmmm, pwede ka namang mag-call center in the meantime. But on second thought, wag na lang. Baka wala pang one week eh terminated ka na dahil may winarla ka sa telepono.” Tinaasan siya ng kilay ni Karen at napa-peace sign si Toff.

“Maghanap na lang kaya ako ng 4M para ma-solve na ang problema ko.”

“Matandang mayaman na malapit nang mamatay. Ganong level na ba ang desperation mo teh? Baka naman ang labas niyan eh makahanap ka ng someone na mukhang lolo pa ni Tito Mario.”

“Well on the bright side, at least pwede na ring mag-retire si Pa pa nagkataon.” Napansin na lang ni Karen na tila di mabura ang pagkapilyo sa ngiti ni Toff.

“Hoy Petot, ano yang mga ngiti mo?. Don’t tell me na hanggang ngayon eh pinagnanasaan mo pa rin ang Papa ko?”

“Eeew, di ba sabi ko wag mo kong tawagin sa pangalan na yan? Eh sa I can’t help it if Tito’s kinda cute kahit na he’s in his 40′s. By the way, naalala ko na kung sino ang kahawig niya dun sa photo niya when he was a teenager. Si Papa Champ, yung lead singer ng Hale.”

“Buti pa Papa ko pinagnanasaan mo, samantalang ako..”

“Teh, be careful what you wish for at baka pareho tayong isuka ni Mother Earth. Chos! Hemmingway, ano na ba topic natin? Hmmm, ayun may idea ako. Mahilig ka kasing mag-orgynize este organize ng mga events dati. Natandaan mo yung mga sleep overs at house parties natin dati sa Katipunan? Naisip ko, why not plan events again pero this time you get paid for doing that? Tamang-tama, may raket ako for you.”

“Noong time na yun kasi, hello, tayu-tayo lang naman yun ng mga college friends natin. Gusto ko mag-plan ng mga events as a hobby, pero as a profession? I think I need some more polishing in terms of skills.”

“Choosy ka pa teh? Eto, at least di mo na kelangang mag-start from scratch kasi you’ve been doing this dati pa. At least ngayon, may datung ka pa on the side habang nag-job hunting ka. Besides, ano ba naman ang pinag-iba ng dati sa ngayon? Mas big-time oo. Mas stressful oo. Mas demanding oo. Mas makatotohanan oo. Fine, maraming pinagkaiba pero alam kong kayang-kaya mo yan. You have the skills for that.”

“Talagang pinapalakas mo ang loob ko ha. O sige nga, ano bang magiging raket natin?”

“Natin talaga?”

“Oo, business partners tayo. 70-30 ang hatian.”

“Nagpakipot ka pa, tapos may hatian ka na agad na naisip. Ayos lang naman sa kin na gawin ko ‘to pro-bono eh, bilang mahal naman kita maski papaano. Cough cough! Pero fine, gawin nating 90-10, tutal ikaw naman ang gagawa ng dirty work.” Isa sa mga nagustuhan ni Karen kay Toff ang pagiging selfless nito, yung tipong inuuna pa niya ang kapakanan ng ibang tao. Alam din niya na ang ugaling ito ni Toff ay ilang beses na ring naging sanhi ng mga pag-iyak nito.

“Anyway, retreat kasi ng hina-handle kong 4th year class sa Tagaytay next week, Wednesday to Friday. Gusto ng PTA na sa Friday night eh magkaroon ng welcome back party for them. As in babalik kami from the retreat house, then surprised yung mga kids kasi andun yung mga parents nila para salubungin sila. Naalala mo pa dati na sa classroom lang tayo sinalubong, tapos tuna sandwich at Zesto galing sa cafeteria ang meryenda? This year, dahil bigatin ang mga officers ng PTA, gusto nila na dun sa bagong tayong hall ang venue tapos may dinner pang ise-serve. Supposedly may nakuha na silang mag-asikaso, pero nag-backout bigla. Ayun, I.. err.. volunteered you.”

“Aha, so nagdesisyon ka na for me even before mo pa ipaalam sa kin? And how sure are you na pwedeng makialam ang mga outsiders?”

“Well, isang tao lang ang kilala ko na kayang mag-magic sa ganung kaikling panahon and alam kong naghahanap siya ng trabaho right now. Hmmm, pwede ko pa namang bawiin by tomorrow kung di ka papayag pero I tell you na go ka na. And technically you’re not an outsider dahil dun ka gumraduate ng high school.”

“OK, supposed na papayag ako. How much is the damage? Di sa mukha akong pera pero tandaan mong wala akong kumikitang kabuhayan right now.”

“While expect na hindi ganung kalaki ang bayad since school event ‘to, at least they’re willing to pay someone to do the dirty work for them. Sabihin na nating nasa 5 digits naman ang ibabayad sa ‘yo, including the centavos. Joke! Syempre excluding.”

“Wow, pwede na rin yun considering one night lang naman ‘to and sa school lang siya. Besides, tagal ko na ring di nakadalaw sa alma mater natin. Hmmm, I’m willing to give this a try, pero siguraduhin mong matutulungan mo ko ha lalo na’t advisory class mo pala ‘to.”

“Can you feel the excitement teh? Great, iko-confirm ko na sa PTA na ikaw ang magiging events planner ng post-retreat party ng class ko.”

_________

“Sayang yung lalaki o. Hunk pa naman ang dating, pero parang beki kung magsalita.”

“Oo nga sis. Bakit ba sila dumadami, to think wala naman silang matres? Ano sila, kisses na kelangang biyakin para dumami?”

Naulingan ni Karen ang dalawang babae sa kalapit na mesa na nagbubulungan at tila ang best friend niya ang sentro ng diskusyon ng mga ito. Base sa nakita niyang mga asta nito, alam niyang sa kalapit na call center sila nagtatrabaho.

“Yung babaeng kasama niya, alam naman niya sigurong bakla yung kasama niya pero bakit kung umasta siya eh parang girlfriend niya? Ganyan na ba ka-desperada yung ibang mga babae ngayon? To think maganda naman siya, in fairness. Lamang lang siguro sa ‘yo ng tatlo’t kalahating paligo.”

“Hoy umayos ka sis, baka marinig ka.”

Sa puntong ito ay nagpantig ang tenga ni Karen. Napatayo ito at bagama’t kumukulo na ang dugo nito, pinilit pa rin niyang maging kalmado habang patungo sa kalapit na mesa.

“Hello hello. Ano ang ganap, mga ate?” Nakakaloko ang ngiti ni Karen bagama’t nakapandilat ang mata niya. Natameme ang dalawang babae, na animo’y nakakita ng multo.

“For your information, yung lalaking tinatawag ninyong bakla, di hamak na mas maganda pa siya sa inyo pag inayusan siya na parang babae. At kahit lalaki din ang hanap niyan, itaga ko pa sa mga bilbil ninyo na yung mga boyfriend niyan eh yung tipong hindi mapapasainyo ilang beses man kayong ipanganak ng mga nanay ninyo. Kaya imbes na buhay ng may buhay ang pinagdidiskusyunan ninyo, hala magsibalik na kayo sa trabaho ninyo para naman makatulong kayo sa ekonomiya ng bansa natin.” Sa puntong yun, palapit na sa kanila ang isang gwardiya kaya minarapat na ni Toff na hatakin ang best friend palabas ng store.

_________

“Ay, ano ba yun? Pinagtanggol mo ba ko o ginatungan mo lang yung mga pinagsasabi ng mga babaeng yun?” Pasaring ni Toff sa kaibigan, habang kalalabas lang nila ng establishment.

“Gusto ko lang iparating sa mga bisugong yun na ako lang ang may karapatang mang-okray sa ‘yo. Hindi ko ma-take na yung bestfriend ko eh ginaganun ng ibang tao.”

“Look Karen, the moment na I knew na ganito ako, alam ko naman na di ako santo para ilagan ng mga sasabihin nila eh. I know I can’t please everybody and it doesn’t matter as long as I’m being me. Hindi ko naman itinago kung ano ako eh, kahit sabihing di ako nagdadamit-babae or anything.”

“Toff..”

“Hush, I know you care about me so much and thank you for that. Pero OK lang ako.”

Patuloy pa rin ang paglalakad nina Karen at Toff, nang namataan ni Karen ang isang pamilyar na mukha na tila nagmamadali habang naglalakad. Nagpaalam na si Toff sa kasama na mauna na dahil kelangan niyang balikan ang ilang mga papel na naiwan niya sa school.

“Kuya Donald?!” Pagbati ni Karen sa kaibigang drummer ng Papa niya. Nasa mid-30′s pa lang si Donald at long-time girlfriend nito ang isa sa mga kilalang singer-actresses sa bansa.

“Karen? As in the unica hija of Mario Paredes?”

“Ako nga po ‘to. Di ba dapat nasa tour kayo with Papa?”

“Why, di pa ba umuuwi ang Papa mo sa inyo?”

“Hindi pa nga po eh. Sabi niya kasi the last time na nag-chat kami, extended daw yung tour.”

“Well, while well-received ang tour namin and may encore shows kami sa ibang cities, more than a week ago siya natapos.”

Medyo mababasa na sa mukha ni Karen ang pag-aalala nito sa ama. Huli niya ‘tong nakausap sa Skype halos isang linggo na ang nakaraan.

“Ganun po ba? So do you have any idea kung saan nagpunta si Papa?”

“Wala naman siyang nabanggit sa ‘kin, although parang napansin ko on 2 separate occasions na may kausap siya over the cellphone. Well Karen, yan lang ang info na maibibigay ko sa ‘yo. Anyway, I have to go ahead kasi may Bible study pa ko somewhere in Salcedo. Twas nice to see you.”

“The Zephyr Song” by Red Hot Chili Peppers (from Collide Season 1, Episode 13)

 

TITLE: The Zephyr Song
ARTIST: Red Hot Chili Peppers
ALBUM: By the Way (2002)

Complete lyrics here

“Drive” by Incubus (from Collide Season 1, Episode 13)

 

TITLE: Drive
ARTIST: Incubus
ALBUM: Make Yourself (1999)

Complete lyrics here

Collide (Season 1, Episode 13)

DISCLAIMER: This is a work of fiction and views expressed come solely from me. Any resemblance to previously existing written works and any person (living or dead) or events is purely coincidental. This may contain strong language, sexual scenes and other themes intended for a mature audience. If this offends you, kindly leave this site. Please do not copy or use without my expressed written permission. Use of excerpts or links from this blog is permissible though, provided that credit is explicitly given to CLOSET CHRONICLES with appropriate and specific reference to the original content. For comments, suggestions and reactions regarding this blog and its contents, email me at thisistheclosetchronicles@gmail.com. Thanks!

__________

“So how’s Sir Mario?” Kumagat si Mike mula sa platito ng cake na inalok sa kanya ni Karen. Nanatiling tahimik si Toff na nakaupo rin sa sofa habang pinagmamasdan ang dalawang kasama na nag-uusap.

“Last I heard, na-extend daw yung tour nila. Pero knowing Papa, mahilig sa surprises yun eh. Yung akala kong 2 weeks lang niya overseas, more than 1 month na rin pala.”

“I see. Well, you gotta give it to him na he’s so dedicated to his craft. Please send my regards to him. Sayang, we missed the chance to have him sa studio during AMP Radio’s final broadcast.”

“Yeah, nabanggit nga niya noong magkausap kami minsan na nanghinayang siya sa nangyari sa station ninyo.”

Minsan nang nag-guest ang ama ni Karen na si Mario Paredes sa The Tuesday Talk, isang weekly magazine show ng now-defunct FM station na AMP Radio, ilang taon na ang nakakalipas. Kaka-resign lang ng host ng programa na si Marco Bauer kaya si Mike ang pansamantalang nag-take over. Masasabing isa sa mga highlights ng pagiging DJ ni Mike ang panayam na yun kay Mario dahil bukod sa nakasalamuha niya ang isa sa mga pinakabatikang gitarista sa local music scene, nakilala niya eto bilang isang mabuting ama at tao.

“Anyway, excuse me. Puntahan ko muna si Drew sa kwarto niya ha. Buti na lang pala ikaw ang nakakita sa kanya. Thanks for bringing him home safe, Kuya Mike.”

Tumango na lamang si Mike at iniwan na ni Karen ang dalawang lalaking kasama sa sala. Nakakabinging katahimikan ang nanaig na animo’y may invisible na pader na nakaharang sa pagitan nina Mike at Toff.

“Kuya?” Lakas-loob na pagbasag ni Toff sa nanaig na katahimikan.

“Yes?” Seryosong tugon ni Mike habang tiningnan nito ang mukha ng tumawag sa kanya.

“Well, I didn’t expect na magkikita uli tayo after quite a long time. And sana napatawad mo na ko sa nangyari noon.” May pagkaatubili kay Toff habang binanggit niya ang huling kataga.

“Toff, I gotta say na I got upset during that time, lalo pa’t parang I got blind-sided. If you were in my shoes, ganun din naman siguro mararamdaman mo di ba? Pero looking back, you were a kid who’s searching for answers to his questions and I can’t fully blame you for that. Anyway, it’s been years and I’ve already moved on. Sana ikaw din.”

“That means a lot to me Kuya Mike. Thank you and it’s nice to see you again.”

“Well, I’m really surprised to see both you and Karen tonight. It’s been ages, huh. And I can say na you’re looking way better.”

__________

“Beks, sure ka bang dito ka matutulog? I mean, magkatabi tayo sa kama.” Tanong ni Karen kay Toff habang inaayos ng dalaga ang kanyang kama kung saan kakasya ang dalawang tao.

“May iba pa ba kong choice? Eh sa biglang nagbago yung isip ni Kuya Mike at dito na rin siya magpapagabi. Ayoko naman sa sala no.”

“Ang sabihin mo, hanggang ngayon nagpapaniwala ka sa mga multo. Hahaha. Pero seriously, na-awkward-an ka bang makasama uli sa kwarto si Kuya Mike?”

“Well.. Kinda. Alam mo naman ang nangyari sa ‘min years ago di ba. Ako na ‘tong umiiwas, kahit sabihing maski papaano nagkausap na kami kanina.”

“Hmmm, naisip ko lang, di kaya yun ang nag-trigger sa lahat ng bad vibes na dumadaloy dyan sa love life mo?”

“Ouch, parang di ka nakakasakit ng damdamin ha. Talagang kelangan ikaw ang magpaalala sa kin ng mga yan?” Tampu-tampuhang tugon ni Toff sa kaibigan.

“Uy, sorry na Toff. Below the belt ata ang hirit ko.” Inaalo ni Karen ang best friend na tila batang napagkaitan ng candy noong time na yun. Sinuklian ito ni Drew ng mahinang paghampas ng unan.

“Che. Hemmingway, bago tayo magkalimutan, di ba ikaw ang may kelangan sa ‘kin kaya ako nandito tonight? Dali, magkwento ka na bago pa ko mag-walkout.”

“Tampururot na naman si Petot.”

“Kadiri ka talaga, Ma. Anna Karenina Ilustre Paredes! Wag mo nga kong matawag-tawag sa ganyang pangalan ha. Pinaalala mo lang sa ‘kin ang uhugin days ko. Dali na, habang di pa nauubos ang pasensya ko sa ‘yo.” At muling kinuha ni Toff ang unan na animo’y ihahampas niya ito sa kausap.

At ikinuwento ni Karen sa best friend ang mga nangyari nitong nagdaang linggo sa opisinang iniwanan niya ilang oras lang ang lumipas.

“So ano na ang balak mong gawin nyan?”

“Well, magpapasa na lang uli ako ng resume sa ibang companies. Yung naipon ko, good for 1 month pa naman at ma-cover pa nun yung mga expenses. Buti na lang talaga tapos nang bayaran ‘tong unit. Syempre, si Papa naman halos ang nag-shoulder ng pambayad nito eh.”

“Speaking of which, sasabihin mo ba ‘to sa kanya, lalo na yung tungkol sa manyak nyong client?”

“If maiiwasan, eh di hindi. Knowing Pa, hindi magdadalawang-isip na maghuramentado yun. Ako naman, ayoko nang palakihin ‘to at umabot pa sa iskandalo. Kung ako lang, ayoko nang makita ang mga pagmumukha nila. Malaki naman ang mundo para makapag-move on sa experience ko dun. Basta, bahala na ang karma sa kanila.”

Alam ni Toff kung gaano ka-decisive at ka-independent-minded si Karen, ilan sa mga katangian na nagustuhan niya sa best friend. Minarapat na lamang nitong respetuhin ang desisyon ng huli.

“Bes?” Pagkuha ni Toff sa pansin ng babaeng kasama. Kasalukuyan silang nakaupo sa kama.

“Hmmm?”

“Wala naman, buti pa dati ‘no ang simple lang ng mga pinoproblema natin. Ako, kung paano ko mame-maintain yung scholarship ko. Ikaw, kung paano mo mapapasa ang Math.”

“Hahaha, kaya nga ko umiwas sa course na may Math noong college eh. Pasakit sa mundo. Di ba dapat may honors din ako noong high school kundi lang dahil sa lintik na Math na yan? Tapos yung matandang dalagang teacher natin dun, mukhang malaki ang galit sa ‘kin.”

“Hahaha, si Miss Carbonell. Ayun, hanggang ngayon, matanda, dalaga, masungit at hindi pa rin siya nabibiyayaan ng kagandahan. Ayun may naalala ako, dati problema mo rin pala kung paano kita sasagutin. Malay mo bang pareho lang ang hanap natin?”

“Kapal! Aba, masyadong mapaglaro kasi si Mother Nature. Yung karamihan sa mga gwapo ngayon, either nagpapaasa ng babae o gwapo rin ang hanap.”

“Ayun, inamin mo ring gwapo ako. Yihee!”

“Kilig to death ka naman? Gwapo ka lang, pero wala kang dyowa.”

“Ouch ka talaga! Karen Paredes, strike 3 ka na. Lalayasan na talaga kita at kikidnapin ko yung pinsan mo.” Umarte si Toff na tila babangon at papunta sa pinto.

“Sure ka bang matitiis mo ko? Alam kong love mo rin ako, di mo nga lang mahanap sa sarili mo. At wag mong madamay-damay dito si Drew na walang kamalay-malay. Hoy, halika nga rito!” At hinatak ni Karen ang braso ni Toff at humiga na ang huli sa kama ng best friend.

Habang nakahiga ang dalawa, isinandal ni Karen ang ulo niya sa balikat ni Toff. Kundi lang alam ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa, maaaring isipin ng makakakita sa kanila sa oras na yun na magkasintahan sila.

“You know what, masaya ako kasi through it all, ikaw pa rin ang best friend ko. I love you beks. Oy, di ka ba sasagot?”

“Sorry, ano ang tanong? Hahaha joke. Cheesy ka, pero aaminin ko na kasi wala akong choice. I love you rin teh. BFF ha?”

Tango ang isinukli ni Karen, na tila may malalim na iniisip. Maya-maya pa, nilingon ng dalaga ang kasama at nakita niyang nakatulog na ito. Nagpalit na si Karen ng posisyon at humiga na sa unan niya.

“Toff, aminin ko man sa hindi, hanggang ngayon I’m still hoping na sana ikaw na lang ang lalaki para sa ‘kin.” Sa isip-isip ni Karen habang nakapikit na ang mga mata nito at unti-unti na siyang bumibigay sa antok.

__________

Sa kabilang kwarto, malalim ng tulog ni Drew samantalang ipinatong na ni Mike ang kanyang iPod sa nightstand at nahiga sa kama. Di pa rin siya dinadalaw ng antok at dinig niya ang mahinang pagkukulitan nina Karen at Toff sa kabilang kwarto. Kinasanayan na niya ito sa dalawa mula noong una niya silang nakilala ilang taon na ang nakakalipas. Napapangiti na lang siya paminsan-minsan habang napukaw ang isipan niya ng mga alaala mula sa nakaraan.

REWIND:

Dalawang linggo bago magsimula ang pasukan nang nag-move in ang freshman na si Toff sa boarding house nito sa may Krus na Ligas, isang jeepney ride away lang from the UP campus.

“Toff iho, buti na lang meron pang konting slots dito. Wala namang kaso sa ‘yo na may kasama ka sa kwarto ‘no?” Paninigurong tanong sa kanya ni Felicia, ang katiwala dun sa male boarding house.

“Wala naman ho akong problema dun. Buti nga ho meron pa kong matutuluyan. Mukha atang disadvantage sa ‘kin na taga-Metro Manila ako kaya di ako nakapasok sa Kalayaan.”

“Pahirapan nga talagang pumasok dun. Sa totoo lang, iisiping mayaman ka sa asta mo pa lang. Kino-consider din kasi yung kinikita ng mga magulang mo kung bibigyan ka nila ng slot dun.”

“Akala lang ho nila yun. Di naman ho kami mayaman eh. Hahaha.”

“Pero di mo maikakailang gwapo ka.” Tila may konting pagkakilig sa matandang babae nang nabanggit na yun. Napigilan niya ang tuluyang pagba-blush nang nakita niyang pumasok ang isang boarder na nakatali ang mahabang buhok, may hikaw sa kaliwang tenga at naka-anklet.

“O ayan na pala siya. Mike iho, eto pala si Toff, yung makakasama mo sa kwarto.” Nakipagkamay si Mike kay Toff, habang may konting pagkamangha sa mukha ng huli.

__________

“Toff, right? Ginisa ka ba ni Manang Fely? Pasensya ka na dun ha, old maid kasi eh.”

“Ayos lang Kuya. Actually, nakakatuwa nga siya.”

Sinamahan muna ni Mike si Toff patungo sa kwarto na pagsasaluhan nila.

“By the way, 3rd year Econ major pala ako. Ikaw?”

“Incoming freshman, tapos Secondary Education ang course ko.”

“Ayos ha. So you really plan to teach after graduation?”

“Oo kuya. Gusto ko kasing mag-give back dun sa high school na pinasukan ko. Kundi dahil sa scholarship ko dun, malamang sa public school ang bagsak ko at hindi ko alam kung andito ako ngayon.”

“I see. Well, teaching’s a noble profession. By the way, wala namang problem sa ‘yo na maghubad ako ng T-shirt. Medyo nakukulob kasi yung init sa room natin eh.”

“Sige lang kuya. Ako nga ‘tong naki-move in sa kwarto mo eh, tapos ako pa ang aarte.”

“Hahaha, well you can say no. Nga pala, dun ka na sa taas ha para nakatutok sa yo yung ceiling fan.” Hinubad na ni Mike ang T-shirt na suot niya at isinabit niya sa upuang malapit sa double-deck na kama. Kinuha ni Mike ang kanyang walkman at nagpatugtog ng cassette tape ng Incubus.

 

 

“By the way, pag nakita mo pala akong naka-headset, lapitan mo na lang ako ha. I have a tendency to zone out kasi pag naka-sounds ako. What genres of music do you listen to pala?”

“Kuya, pasensya na ha. Hindi kasi ako masyado updated sa music eh. Puro Westlife at Backstreet Boys lang ang naririnig kong kanta dati.” Medyo may pagkautal sa pagkakasagot ni Toff. Di nito maiwasan na titigan ang kasama sa kwarto na walang suot pang-itaas.

“Ayos lang. I’m very much into alternative music, pero sa mga boybands gusto ko yung *NSYNC. I think malayo ang mararating ni Justin Timberlake pag nagsolo siya. Anyway, one time ipapakinig ko sa ‘yo yung mga tapes ko.”

“Salamat Kuya. Pahinga muna ko ha.” At inakyat na ni Toff ang double deck upang mahiga. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang imahe ng roommate niyang si Mike.
__________

“It’s AS and not Palma Hall.”

“You don’t have to stand when you’re reciting.”

“Whenever you see a herd of people walking together along the corridor, chances are they’re also freshies.”

Nakatuon ang pansin ni Toff kay Mike habang binibahaginan siya ng huli ng mga tips para maka-survive as freshie. Bunso siya sa dalawang magkapatid at babae ang mas matanda sa kanya. Tila nakita niya agad kay Mike ang pagiging kuya figure nito sa kanya.

Samantala, matagal na ring nag-iisa si Mike sa kwartong tinutuluyan at natuwa naman siya dahil magaan agad ang loob niya sa bagong kasama. Bihira lang siyang umuwi sa kanilang bahay sa Cavite, lalo na’t kakatapos lang din niyang mag-summer ng ilang GE subjects. Halos tatlong taon na rin mula nang pumanaw ang kanyang inang si Annie dahil sa leukemia. Bagama’t nagpapadala ito ng pera sa kanya, matagal na rin silang walang komunikasyon ng OFW niyang ama na si Leo.

Mutual ang pagkatuwa ng dalawa dahil maski papaano ay madali nilang napakisamahan ang isa’t isa.

“TBA is not a building..”

“Kasi TBA means ‘To be announced’.” Agad na pagputol ni Toff sa sasabihin ng nakatatandang kasama at nagtawanan na lang sila habang patuloy sa pagkwento si Mike ng kanyang mga karanasan sa kolehiyo.

__________

“Toff, I saw you sa acad oval earlier with this beautiful lady. I was calling you but you didn’t hear me.” Pagbati ni Mike sa bagong dating na kasama.

“Ay Kuya, di kita napansin. Sorry ha.”

“Ano ba, it’s OK. Baka lang maka-istorbo ako sa inyong dalawa eh, hehehe. Your girlfriend?”

“Hahaha kuya, hindi ah. Good boy ako.”

“Why, you’re already a bad boy if you’re in a relationship? You have the looks and I won’t be surprised if you two are an item.”

“Kuya talaga! Bakit ikaw, wala naman akong naririnig sa ‘yo tungkol sa love life mo.”

“Well.. One time, kukuwentuhan kita. Anyway, bumili ako kanina sa SM North ng bagong album ng Red Hot Chili Peppers. Eto, pakinig ko sa ‘yo yung isang track.”

 


__________

“Kuya Mike, buti napadaan ka. This is my bestfriend Karen. Siya yung nakita mo minsan. Karen, si Kuya Mike yung roommate ko.” Kumakain noon ng meryenda sina Toff at Karen sa CASAA at sumaglit muna si Mike dun nang tinext siya ni Toff.

“Hi Karen. Nice meeting you.” Nakipagkamay si Mike sa kasamang babae.

“Hi din. OK lang bang maki-Kuya Mike na rin ako?” Malaki ang ngiti ni Karen sa binata.

“Sure, go ahead. By the way, you’re also a freshie? Anong college mo?”

“I’m also a freshman, pero di ako dito sa UP nag-aaral. Takot sa kin ang UPCAT eh. Pero dyan lang ako sa isa sa mga neighbors nyo.”

“I see. Anyway, you’re pretty, I must say.”

“Wow, thank you Kuya Mike.” Tila namumula sa mga oras na yun si Karen dahil sa pagpuri sa kanya ni Mike. Pasimple naman itong inirap ni Toff.

“I’m really perplexed as to why you two aren’t an item. You seem to be a perfect fit for each other.”

“Ah Kuya Mike, ang hanap kasi ni Toff eh..” Naputol ang sasabihin ni Karen nang biglang umubo si Toff.

“Hey Toff, are you OK? Anyway, I don’t mean to be rude but I have to go to AS kasi may kelangan akong habulin. Sorry guys. I’ll make it up to you some other time.”

“Sige kuya. Salamat at nakadaan ka eh.”

“Alright. Nice meeting you again Karen. Toff, see you later.”

Nang umalis na si Mike, tila naniningkit ang mata ni Toff sa best friend niya.

“Oy, to be fair, pwede siyang pamalit ha.” Tahasang pang-aasar ni Karen sa kasama.

“Bes, wala namang ganyanan. Di pa niya kasi alam ang tungkol sa kin eh.”

__________

“Mike, meron bang vacancy sa boarding house mo?” Tanong sa kanya ng blockmate niyang si Alex. Nasa School of Economics sila at kakatapos lang nun ng klase nila.

“Wala pa for now eh. Teka di ba naka-dorm ka?”

“Oo, kaso nagsawa na ko eh. Gusto ko naman ng bagong environment.”

“Ang sabihin mo, malapit ka nang mapalayas sa dorm mo dahil madalas kang lumalampas sa curfew nyo. Anyway, balitaan kita pag nagka-slot.”

“Salamat pre. Nga pala, magkakilala pala kayo ni Kristoffer Villegas?”

“Oo, roommate ko siya. Why did you ask?”

“Nakita ko kasi kayo minsan na magkasabay eh. So magkasama pala kayo sa kwarto. Buti di ka ginagalaw nun.”

“Pre, what’s the point of this discussion?”

“A couple of my classmates in one of my electives saw him making out with another guy sa CR sa PHAN. Nalaman nila yung name dahil naiwan niya yung ID niya dun. Your roommate is gay. Mag-ingat ka sa kanya.”

“Pre, sa UP tayo nag-aaral. Magpaka-open minded ka nga. So what if he’s into guys? It’s not like siya lang ang ganun. Besides, di naman nakakabawas sa pagkatao niya kung anuman ang sexuality niya, di ba?”

“Mike, chillax. Concerned citizen lang ako. Ganito na lang, kapag ba ikaw ang napagdiskitahan ng kagaya niya, mapapairal mo pa rin ba ang pagiging open-minded mo?”

__________

“Toff?” Nag-aaral nun si Toff para sa nalalapit niyang long exam sa Math 17 nang binasag ni Mike ang katahimikan sa loob ng kanilang kwarto.

“Yes kuya?”

“Never mind.” Tila pag-atubuli ni Mike.

“Hindi nga?”

“Fine, hypothetical situation lang. Suppose you find out na I’m gay. What will you do?”

“Seryosong tanong ba yan?”

“Basta sagutin mo na lang.”

“Hmmm.” Saglit na nag-isip nang malalim si Toff, bago nagpatuloy. “Ikaw pa rin ang kuya ko at walang magbabago.”

“Kuya? Bakit mo natanong?” Tila may pagkautal na pagtanong ni Toff sa kanya.

“Wala naman. Sige, mag-aral ka muna. May ipapabili ka ba? Lalabas lang muna ‘ko.”

Nang nakaalis si Mike ng kwarto, tila nawala sa konsentrasyon si Toff sa inaaral niya. Di maalis sa isipan niya ang naging usapan nila ng roommate niya.

__________

Halos hatinggabi na at nakahiga sa kanyang kama si Mike habang hinihintay ang roommate. Tinext niya ito na umuwi sana nang maaga dahil may maganda siyang balita. Sumagot si Toff na siya rin daw may ikukwento, subalit hanggang noong mga oras na yun ay hindi pa rin siya dumarating. Napabangon si Mike nang nakarinig siya ng kalabog sa pinto ng kwarto nila.

“Toff?”

Pagewang-gewang na naglakad si Toff papasok ng kwarto nila. First time ni Mike na mapansing nakainom ‘to. Inalalayan niya ang roommate upang ihiga ito sa kama niya sa ibaba. Napagpasiyahan niyang dun na lang muna sa taas matulog para hindi na ma-hassle si Toff na umakyat pa sa kama niya.

Dali-daling tumungo si Mike sa kusina upang kumuha ng maliit  na palanggana at nilagyan niya ito ng maligamgam na tubig. Pagbalik sa kwarto, nakakuha siya ng malinis na bimpo. Laking relief sa kanya na hindi pa nagsuka ang roommate niya. Tinanggal ni Mike ang suot na T-shirt ni Toff at ipinamunas dito ang basang bimpo.

Habang patuloy niyang pinupunasan si Toff, narinig niyang humikbi ang huli.

“Shhh.. Hey, what’s wrong? Everything’s gonna be OK.”

“Hindi. Pinaasa lang niya ko, tapos iiwan lang din niya.” Paulit-ulit na sabi ni Toff. Hindi kalakasan ang boses niya, pero mararamdaman ang kalungkutan sa binitawan niyang mga salita.

“Shhh.” At patuloy ni Mike na pinunasan ang katawan ni Toff. Tinanggal na rin nito ang suot nitong pantalon upang punasan din ang mga binti nito at tanging brief na lang ang naiwan. Nang sisimulan na niyang dampian ng twalya ang kaliwang binti nito, nabigla siya nang hinatak ni Toff ang kanang braso niya.

Napasubsob si Mike at halos magkadikit na ang mga mukha nila ni Toff. Naamoy niya ang alkohol sa hininga ng huli. Lalayo na sana siya nang naramdaman niya ang kanang braso ni Toff na nakayakap sa leeg niya. Pinilit pa rin niyang lumayo, subalit naramdaman na lang niya na dumampi ang mga labi nila sa isa’t isa.

Ilang minuto rin bago bumitaw si Toff sa pagkakahawak niya kay Mike at mahimbing na ang tulog nito. Tila malalim ang iniisip ni Mike habang nakahiga sa itaas ng double deck. Gusto niyang magalit sa kasama at maging sa sarili, pero nakaramdam din siya ng konting awa kay Toff lalo na nang umiiyak ito kanina.

__________

Ilang linggo ring umiwas si Mike kay Toff. Nariyan yung uuwi siya pag tulog na si Toff o matutulog siya kapag pauwi na ang huli. Kung sakaling mag-abot sila, isang tanong isang sagot lang si Mike at madalas ay tahimik ito habang nakikinig sa kanyang Walkman at nag-aaral sa kanyang kama.

Patapos na noon ang first semester. Di na nakatiis si Toff dahil sa pagbabagong naganap sa kanilang kwarto. Isang beses ay naglakas-loob na ‘tong kausapin ang roommate.

“Kuya, ilang linggo na tayong di nagkakausap. What’s up with you?”

“Me? Well, the semester’s about to end kaya eto naghahabol sa mga requirements. Pasensya na kung hindi tayo nakakapag-usap gaya ng dati.”

“Seriously? Kahit naman busy tayo, nakakapagkulitan tayo di ba? Pansin ko mula ata nung gabing nalasing ako, nag-iba na ang dynamics dito sa kwarto.”

“Buti pala natatandaan mo yun. What about the kiss? Do you remember that?”

“Kuya Mike?”

“Oo, that kiss that ruined everything that we had.”

“Oh? OK sige, just to set the record straight, yes I’m gay. I’m sorry if di ko agad nasabi sa ‘yo at I promise na wala akong masamang intensyon sa ‘yo. Second, I can’t fully remember that kiss and even if I do, does it have to mean anything?”

“Fuck! Ako ‘tong di makapalag noong hinalikan mo, tapos wala lang sa ‘yo ‘yun.” Unang beses noon ni Mike na mapamura sa harap ng roommate niya.

“Kuya, ilang beses mo ba kong gustong mag-sorry? Look, I may not have told you everything about me, but that doesn’t mean na I’m not a trustworthy person. Just like you, I have my reasons. Also, kung yun ang pinoproblema mo, nasa sa ‘yo naman kung magpapaapekto ka sa halik na yun. Sa ‘kin lang, di naman porke’t nahalikan ka ng bakla eh bakla ka na rin.”

“Jesus Christ, this discussion is getting absurd. Sorry, kelangan ko munang magpahangin.” Naiwan si Toff sa kwarto habang malakas ang pagkakasara ng pinto paglabas ni Mike.
__________

“Thanks for dropping by on such a short notice.” Pahayag ni Toff kay Karen. Kalagitnaan noon ng sembreak nang dumaan si Karen sa boarding house ng best friend upang tulungan ang huli na mag-impake ng mga gamit nito.

“Ayos lang. Buti na lang may mga vacancies dun sa boarding house malapit sa pinag-stayan ko. Sure kang OK lang sa ‘yo na mapalayo nang konti?”

“Walang kaso, tutal isang sakay ng jeep pa rin naman ang layo ko sa campus eh.”

“Sayang ‘coz di kayo nagkapaalamanan nang maayos ni Kuya Mike.”

Bakas ang lungkot sa mukha ni Toff noong mga sandaling yun at halos maluha-luha na ito. Bumalik sa mga alaala niya ang naging magandang samahan nila ng dating roommate.

“Anyway, hintayin na lang kita sa baba ha.” Pagpapaalam ni Karen sa kasama. Tinanguan na lang siya ni Toff.

Umupo muna si Toff sa kama ni Mike at sa kanyang wallet ay kinuha niya ang isang nakatuping piraso ng papel. Eto ang huling mensahe sa kanya ng roommate, bago ito umalis isang linggo na ang nakakaraan.

Hi Toff,

I decided to give AMP Radio’s student jock program a shot and I don’t wanna pass up on this unexpected opportunity. Since mag-underload din naman ako next semester, I decided na umalis na ng boarding house.

I’m sorry that we have to part ways like this and for not giving you a chance to properly air your side. I admire you though for being open about your sexuality. Not everyone is like you. Take pride in that courage that you have.

As for me, believe it or not, I’m still finding myself. I hope the next time we meet, I have some of the answers. And sana pwede pa rin akong maging kuya mo.

Mike

__________

PRESENT:

Naputol ang paggugunita ni Mike nang nakarinig siya ng mahinang hikbi mula sa katabi. Umikot siya sa pagkakahiga at nakita niya ang mga luhang tumutulo mula kay Drew, na tulog pa rin sa mga oras na yun.

“And this guy Drew, I wonder what the heck is going on with him. He drank and sorta made a mess out of himself, kinda like Toff from years back. But I just can’t figure out why he appears to be different. Something seems to draw me to this guy and I dunno why. Wait, is drawn the right term for that? Why, what’s up with this guy? Is he any special?”

__________

“Bro, why are you avoiding me?” Hingal na hingal si Cal nang naabutan niya ang tumatakbong si Drew. Patuloy pa rin itong di pinapakiharapan ng huli.

“Please naman, kausapin mo ko. Ano bang kelangan kong gawin para harapin mo ko nang maayos?”

“Wala kang kailangang gawin. Hayaan mo na lang akong umiwas.”

“Why? Have I offended you? C’mon, tell me.”

“Wala kang kasalanan. Hayaan mo na lang akong umiwas. Ayokong maging hadlang sa ‘yo, sa inyo.”

“What are you talking about, Drew?”

Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Drew, habang nag-iipon ng lakas ng loob upang bigyan ng tugon ang katanungan ng binatang kaharap.

“Cal, God knows na matagal ko na ‘tong pinipigilan, pero tao lang ako at di ko na kaya. Mali man ‘to sa tingin mo, sa tingin nila, sa tingin ng Diyos pero mahal kita eh.”

At tuluyan nang kumawala kay Drew ang paghagulgol, dahil alam niyang sa pagkakataon na yun ay nasabi na niya ang matagal nang kinikikim na saloobin at di na niya ‘to pwedeng bawiin.

“Bakit ngayon mo lang ‘to sinabi sa ‘kin?”

At niyakap ni Cal si Drew, habang hinahagod ang likod nito upang patahanin ito. Maya-maya pa’y ginantihan na rin siya ni Drew ng yakap.

Sa tagpong ito, di alintana sa dalawa na sa di kalayuan ay may nakamasid sa kanila na isang lalaking nakasuot ng hoodie jacket.

__________

Habang pinagmamasdan ni Mike ang mukha ng lumuluha pa ring si Drew, di niya mapigilan na makita kung gaano kaamo ‘to gaya ng pagsasalarawan ng driver ng taxi na nakasakyan nila kanina. Yung tipo bang kelangang maprotektahan dahil mukha etong madaling masaktan. Hindi namalayan ni Mike na gumagalaw ang kaliwang braso ng katabi at nabigla siya nang naramdaman niyang nakayakap na si Drew sa kanya.

Tila pinagpawisan ng malamig si Mike at naging tuod sa pagkakahiga niya. Muli ay tiningnan niya ang natutulog pa ring si Drew at nakita nito kung paano tila naglaho ang mga luha nito at nasilayan ang ngiti sa mga labi nito. Noong mga sandaling yun, tila sanggol na walang kaproble-problema sa mundo si Drew.

Nang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya si Drew, sabay nito na tila natauhan ang binata. Dali-dali siyang bumangon sa pagkakahiga at naggayak. Bago lumabas ng kwarto si Mike, saglit niyang nilingon ang natutulog pa ring kasama.

__________

Masayang nagkukulitan sina Karen at Toff habang naghahanda sila ng almusal sa kusina.

“Promise nga, naka-security lock yung front door bago ako pumasok ng kwarto kagabi.”

“Whatever beks. Ibang level ka ng sleepwalking eh. Kamusta naman ang sleep booking natin teh?”

“Gaga ka talaga. Oo, aaminin kong malikot akong matulog. Pero sa tinatagal-tagal nating mag-best friend, malalaman mo naman kung naglalakad ako habang tulog.”

“Hahaha, paano ko kaya malalaman? Di ba sa ‘ting dalawa, ako ang parang mantika kung matulog. Next time na makikitulog ka rito, itatali na talaga kita sa higaan mo.”

“Eeew, you’re so kinky teh. Stop projecting your fetishes on me.”

Nauna noong bumangon si Karen at napansin nito na yung doorknob lang ng kanilang main door ang naka-lock. Napagtripan nitong asarin si Toff nang lumabas ito ng kwarto.

“Ate errr Karen, good morning.” Singit ni Drew sa dalawang kasalukuyang naghahalakhakan sa sala. Tila may pagkalitong maaaninag sa mukha niya noong mga oras na yun.

“Hey Drew, good morning din. Are you feeling better na?”

“OK naman ako. Why, what happened last night?”

At nagkatinginan na lamang sina Karen at Toff habang pinipigilan na matawa sa naging tugon ng bagong dating.

“Wait, what’s with those weird faces? By the way, I saw this iPod sa nightstand. Kanino pala ‘to?”

“Ay, kay Kuya Mike yan. Siya yung naghatid sa ‘yo rito kagabi. Nakainom ka nang umuwi ka eh. Gising na ba siya?”

“When I woke up, mag-isa lang naman ako sa kwarto. Oh, so that explains kung bakit magulo than usual ang kama ko.”

“Insan, wasted ka nga. Tinanong pa kita kagabi kung OK lang na may makitulog sa ‘yo and you said yes.”

“Weird. Basta kinda blurry ang memory ko ng mga kaganapan last night.”

“Oh well, I think the mystery’s solved.” Sabay kindat ni Karen sa best friend. “Anyway, saglit muna ko sa kwarto ko. Insan, you owe me stories kaya pag-igihan mo ang pag-aalmusal.”

At naiwan sa kusina ang dalawang lalaking di pa rin magkakilala sa mga oras na ‘yun.

“Hi. I believe it’s my first time to meet you. I’m Drew.” Inabot ni Drew ang kanyang kamay sa kausap.

“Drew.” Saglit na kinikilatis ni Toff ang binatang kaharap niya at may munting ngiting nabuo sa kanyang mga labi. “I’m Toff, Karen’s best friend.”

Tila may kakaibang pisil ang pakikipagkamay ni Toff kay Drew, habang lumuwang ang ngiting iginawad nito sa huli.

SOCA #2: State of “Collide” Address

Hello!

Una sa lahat, I breached past 400 views just 2 days before my blog’s 1st month. Thank you very much. Gayundin sa mga nagsisipag-comment sa posts ko, lalo na sa baguhang si Enonemes.

As I’ve said in Collide Episode 12, I’m committing to a once-a-week update bilang nagsimula na uling mag-normalise ang responsibilities ko sa work and I’m also attending to a couple of things (na I’m really looking forward once matapos ko ang pag-asikaso sa kanila).

And I’m glad na mukhang may action nang magaganap. Sana ma-maintain ko ang ganung momentum at kalimutan na ang first 11 episodes (hahaha joke!). Ngayon pa lang sumasakit ang ulo ko sa mga possible scenarios na pumapasok sa isip ko at kung paano ko sila isasalin sa panulat.

In the meantime, I’m plugging some of the blogs I follow bilang alam kong mahilig din kayong magbasa kagaya ko.

Pinoy M2M Stories (Billie/The Pinoy Babbler’s blog) – He just finished his series Plus One. And he’ll be starting a new one entitled Ang Huling Awit ng Sisne. Again, read all his works (pati yung short stories), especially my fave Not Over You.

Miguel’s Short Bisexual Stories – This is the first blog na na-discover ko dun sa aking list. He just started the 3rd season of Against All Odds Book 2. And I’d really recommend na you read all his previous works, lalo na ang personal faves ko na Different Similarities 1 and 2.

Zildjianstories – Last time napadalaw ako, mukhang busy ang main author. (He’s got co-authors sa blog niya BTW.) I hope he updates uli very soon, hehehe. His current series is entitled The Devil Beside Me. I’d recommend all his previous works as well, most especially After All and Chances.

Boy Meets Boy – Super nanghinayang ako na late kong na-discover ang blog na ‘to. (I actually discovered it sa blog ni Billie. Di ko naman alam na mobile version lang gumagana hehehe.) It’s like a mini-journal of sorts tungkol sa makulay na buhay ni Adam, spanning across 5 seasons, with the last one yet to be resumed.

Eto muna. Have fun, lalo na’t alam ninyo na ang meron sa week na ‘to. Hmmm, Ash Wednesday?! LOL

Collide (Season 1, Episode 12)

DISCLAIMER: This is a work of fiction and views expressed come solely from me. Any resemblance to previously existing written works and any person (living or dead) or events is purely coincidental. This may contain strong language, sexual scenes and other themes intended for a mature audience. If this offends you, kindly leave this site. Please do not copy or use without my expressed written permission. Use of excerpts or links from this blog is permissible though, provided that credit is explicitly given to CLOSET CHRONICLES with appropriate and specific reference to the original content. For comments, suggestions and reactions regarding this blog and its contents, email me at thisistheclosetchronicles@gmail.com. Thanks!

__________

“Nice job, team. Eto na ata ang pinakamaaga nating deployment to Production sa 2 years ko sa project na ‘to.”

Firday night noon at kakatapos lang ng team nina Drew na i-ship ang latest version ng kanilang software to Production. Kadalasan ay inaabot sila ng 10PM onwards, pero ngayong gabi natapos nila ito pasado 8PM. Tuwang-tuwa ang release manager nilang si Pau sa kinalabasan ng kanilang pagtitiyaga at pagpupuyat.

“Buti naman at maaga tayong makakalabas ng opisina. Sana wala na silang makitang bugs.” Banggit ni Raffy sa mga kasamahan. Bilang QA, primary responsibility nila na siguraduhing mapanatili ang mataas na kalidad ng software na idinevelop para sa kanilang kliyente.

“Drew, sama ka sa ‘min? Kwagos Grill sa Makati Avenue mamaya. Friday night naman eh.” Paanyaya ni Ian kay Drew. Kahit na ilang beses nang tumanggi ang huli sa mga paanyaya sa kanya ng mga teammates, nagbabakasali pa rin silang makasama ang tahimik at tila misteryoso nilang kasamahan.

“Di pa ko sure eh.” Nagdadalawang-isip na tugon ni Drew.

“KJ nito! Huy, minsan lang ‘to. Di ka pa namin nakakasama sa mga lakad eh. Besides, di mo naman kelangang uminom.” Sumabat si Leo sa usapan.

“Drew, they’re right. You need to take a break. Pansin kong ilang gabi ka na ring nagsasara ng opisina para lang i-address yung mga findings ng mga QA.” Kalmado ngunit may otoridad ang boses ng boss nilang si Pau. Alam niyang masipag at maabilidad si Drew, subalit napansin niya ang kakaibang pagpupursigi ng huli nitong mga nakaraang araw.

Tinimbang ni Drew sa kanyang isip ang magiging desisyon. Di pa siya nakasama sa mga ganung lakad sa buong buhay niya kaya hindi rin niya alam what to expect, aside sa obvious na inumang magaganap. On the other hand, ayaw niyang igugol ang Friday night sa unit kung saan paniguradong wala pa rin ang pinsan niyang si Karen. Nakailang araw na rin mula nang napagtanto niyang hindi niya dapat hayaan ang sariling malugmok nang ganun. Yun ang nag-impluwensiya sa kanya para magpagabi ng uwi mula sa opisina. Aniya, mabuti nang sumakit ang ulo niya sa mga problema ng ibang tao kesa naman isipin ang mga internal conflicts niya. Base dito, ibinahagi niya sa grupo ang kanyang desisyon.

“Sige, sasama na ko.” Matipid ngunit naninindigang tugon ni Drew.

“Ayos! Way to go, Drew. Paniguradong matutuwa si Lorie niyan.” Panunukso ni Leo kay Drew. Paminsan-minsang itinutukso sa kanya ang kaisa-isang babaeng Java developer sa kanilang team, bagay na ikinakailing na lang ng binata.

“Guys, usual car arrangement ha. Basta sa ‘kin na si Mr. Man of the Hour.” Si Pau na ang nag-volunteer na isabay si Drew sa sasakyan niya.

__________

“Karen, punta ka raw sa office ni Sir Dennis.”

Alam na ni Karen ang sadya ng boss sa kanya, kaya nagsimula na siyang mag-ipon ng lakas na loob upang maibsan maski papaano ang kaba at pangamba sa kanya.

“Miss Paredes, what’s this all about?” Hawak-hawak ni Dennis ang isang papel habang kumawala sa kanya ang malakas na tono ng pananalita nang isara ni Karen ang pinto ng opisina.

“Sir, di n’yo ba binasa o sinadya ninyong hindi basahin? Fine, para hindi na natin patagalin ‘to, I’ll summarize it for you in 2 words: I’m quitting!”

“You gotta be kidding me. You can’t just do that.” Napatayo si Dennis sa kinauupuan niya at napatukod sa kanyang desk.

“Of course, I can. It’s one thing na I have to stay long hours and even weekends in the office na halos extension na ng bahay ko etong workdesk ko. It’s another thing na you did nothing sa complaint ko regarding Mr. Bajada, who kept on caressing me during our dinner early this week.”

“Look Karen, he rarely goes out of his way to actually meet up with his company’s partners. And yes, it’s part of your responsibility as an account executive to make sure that our client is pleased.”

“Even if it means at my own personal expense? Sir, matagal na kong aware na mas importante pa ang welfare ng mga clients natin kesa sa welfare naming mga empleyado ninyo. Kami na halos ibenta ang kaluluwa namin. Pero this is a new low for you, na you turn a deaf ear sa ginawa sa ‘kin.” Tumaas na ang boses ni Karen.

“This is a huge account that we’re talking about and no, you can’t quit. Now tell me, how much increase do you need para hindi ka umalis at para hindi mo ‘to ikalat sa opisina? I can endorse it to HR habang may tao pa sa area nila.”

“Yes, I can quit. And no, monetary compensation isn’t enough. Pagkababae ko ang pinag-uusapan natin dito, something na meron ako at wala kayo.”

“I’m warning you. Kapag umalis ka, I’ll make sure na hindi ka na makakapasok sa kahit anong advertising agency dito sa Metro Manila. Mark my word, Miss Paredes.”

“Do I look like I’m scared? Do that and I’ll make sure that I’ll file a case against you sa DOLE. I’m pretty certain na hindi isolated case ‘tong nangyari sa ‘kin kaya don’t you dare threaten me, Mr. Dennis Ledesma.” Natameme si Dennis sa kakaibang tapang na ipinakita ng kanyang empleyado. At dali-daling nitong tinalikuran ang kanyang dating boss. Pinipilit niyang maging panatag kahit na hindi siya sigurado kung saan siya pupulutin sa naging desisyon niya.

Kinuha niya ang kanyang bag sa kanyang desk at tinahak na ni Karen ang daan palabas ng kanilang opisina. May mangi-mangilang mga nakapansin sa kanya at nagsimula nang magbulungan sa mga posibleng naganap sa loob ng opisina ni Dennis. Subalit nangibabaw pa rin ang pagiging busy ng mga naiwang mga kasamahan niya.

Sa labas ng opisina, kumuha ng yosi at lighter si Karen. Matagal na niya sinusubukang itigil ang paninigarilyo, subalit eto ang nakita niyang paraan upang labanan ang matinding stress na nararanasan niya sa loob ng opisina. Sa pagitan ng paghitit nito, kinuha ni Karen ang cellphone niya at tinawagan ang isang numerong paniguradong makakadamay sa kanya sa oras na yun.

“Beks, emergency. Pwede ba tayong magkita tonight? Sige, ayos lang. Hintayin muna kita sa bahay.” Hindi ipinabatid ni Karen sa kausap na halos mangiyak-ngiyak na siya noong oras na yun.

__________

“Sorry, I can’t make it tonight. Something came up.”

“What the heck?! I’m not even supposed to be here and now you bail out on me just like that.”

Halos kalahating oras na lang bago magsimula ang isang mini-concert sa A-Venue Hall nang tinawagan si Mike ng supposed ka-partner niya sa pag-host ng naturang event. Hindi siya dapat pupunta rito, subalit i-vinolunteer siya upang mag-host. Isa sa mga media partners ng event ang Blast FM, ang bagong istasyon na pinapasukan ni Mike.

“Awww c’mon Mike, I’m sure you can do it. It’s just like you’re in radio, except that you’re in front of a live audience. Anyway, I gotta go. Good luck!”

“Hey Monique, wait up. Damn! That bitch!” Buntong-hiningang nasabi ni Mike, pagkatapos babaan ng cellphone ni Monique, ang kanyang kasamahan sa Blast FM.

Sa kabilang banda, nakangiti si Monique na animo’y nagtagumpay siya habang kinukubli nito ang pagngingitngit sa kausap.

“Michaelangelo Robles, the sooner you quit, the better.”

Mahigit isang linggo na rin mula nang nagsimula siya sa bagong trabaho. Kakaiba ang dynamics sa bagong environment niya, kumpara noong nasa AMP Radio pa siya. Wala pa siyang maituturing na kaibigan, bagay na hindi naman niya ikinababahala dahil kahit noon pa man iilan lang ang itinuturing niyang malapit na kaibigan, tulad na lang nina Simon at Mylene. Ang masaklap nga lang ay hindi nakalusot kay Mike ang mga bulung-bulungan na nadaan diumano sa pulitika ang pagkakapasok niya sa Blast FM. Bilang baguhan, pinili niya munang manahimik at sikaping patunayan na mali ang mga paratang sa kanya.

Hindi inaasahan ni Mike na hindi ibibigay sa kanya ang graveyard schedule sa bagong istasyon, taliwas sa naipangako sa kanya ni Simon noong ibinalita ng huli ang pag-shut down ng AMP Radio. Ang masaklap, sa morning show siya inilagay. Sa mundo ng FM radio, ang 6AM at 6PM timeslots ang itinuturing na primetime dahil sa dami ng mga tagapakinig ng mga oras na yun, lalo na ang mga nagsisipagbiyahe patungo at paalis ng opisina o paaralan. Dito malimit na inilalagay ng mga radio stations ang kanilang flagship na shows. Kahit noong nasa AMP pa si Mike, pinasadya niyang hindi mailagay sa umaga kahit na may following na siya sa istasyon dahil aware siya sa kaakibat na matinding pressure sa ganoong timeslot.

Consistent ang pagkakasali ni Monica Santillan sa listahan ng mga pinakamaganda at pinaka-prolific na female DJs sa mundo ng FM broadcasting. Siya rin ang kapartner ni Mike sa Blastful Mornings, ang morning show ng Blast FM. Unang araw pa lang, batid na ni Mike na mainit ang dugo sa kanya ni Monique. Bagama’t mukhang civil naman ang trato ng huli sa kanya, mababasa sa mga binibitawan nitong mga salita na hindi siya natutuwa na kasama niya si Mike sa show. Kahit on-air, nababatid ni Mike ang mga pasimpleng patutsada sa kanya ng bagong partner.

Lumapit kay Mike ang isa sa mga organizers ng event, kung saan tatlong sikat na banda ang nakasalang na mag-perform sa gabing yun.

“Hey Mike, I learned from Monique that she can’t make it tonight ‘coz apparently she’s got diarrhea. Poor girl. I’m sorry but we’ve got no reinforcement for her so I hope you’re up to the challenge of hosting this all by yourself.”

“Great! Yeah, she gave me the heads up like 5 minutes ago. Hmmm, can someone help me out with the spiels?”

“Sure, I can ask one of our PAs to help you out.”

Bagama’t gamay na ni Mike ang pagsasalita sa audience, bilang 7 taon na rin siyang DJ, ibang experience pa rin sa kanya ang mag-host ng live event. Hindi pa rin niya masasabing komportable siya sa ganung setting, lalo pa’t nakikita ng audience ang bawat kilos niya sa entablado. Gayumpaman, sinisikap niyang labanan ang kaba at mag-focus na lang na mairaos ang gabing yun. Kailangan niyang magpaka-professional.

“Bahala na si Batman.” Tanging pumasok sa isip ni Mike, habang nakikinig pa rin sa kausap niya.

__________

“Woohoo!” Isang bote na ng Red Horse ang naubos ni Drew at naghiyawan sa kanya ang mga kasamahan niya sa trabaho habang tinutungga ito.

“Pre, ano iinom ka pa ba?” Alam ni Raffy na hindi ito umiinom kaya namangha siya nang sinubukan ng huli na lumagok sa isang bote ng Red Horse at naglaon ay naubos na rin niya ito.

“Sige, isang bote pa.” Dagling sagot ni Drew, habang pinapapak niya ang nakahaing sisig. Namangha si Drew sa sarili dahil first time lang niyang uminom at batid niyang tila malakas ang sipa ng Red Horse. Gayumpaman, sinisikap niyang alalayan ang sarili sa paraang alam niya. Mahirap na kapag nagpadala siya sa pagkalasing, lalo na’t may mga kasama siya.

“Drew, hinay-hinay lang ha. Baka sugurin kami ng pastor mo kapag nalamang nalasing ka.” Pagbibiro ni Ian na nagdulot ng malakas na tawanan sa mesa nila. Pinutol ito ng pag-ring ng telepono.

“Guys, excuse me. Sagutin ko lang yung phone ko.” Pagpapaalam ni Pau sa mga kasamahan. Solo nila ang kwarto sa 3rd floor ng Kuwagos Grill at tumungo si Pau sa may balkonahe.

“Si Kumander na siguro yun at pinauuwi na siya.” Pagbasag ni Leo sa mumunting katahimikan paglabas ni Pau.

“Sino sa mga kumander niya?” Simpleng hirit ni Ian at muling nagtawanan ang nasa mesa nila.

Tahimik na lang si Drew habang inuubos ang isang plato ng sisig. Nang dumating ang inorder na bote ng Red Horse, tumungga uli siya rito.

“Anlakas mo palang kumain. Ikaw lang ang umupak sa sisig mula kanina. Bakit kaya di ka tumataba?” Muling pagkamangha ni Raffy sa kasamahan. Natutuwa siya na finally at nakasama na nila si Drew sa lakad nila.

“Baka naman nasobrahan sa Vitamin J.” Walang prenong hirit ni Leo at naghalakhakan ang mga nasa mesa nila. Matipid na iling na lang ang isinukli ni Drew.

“Guys, baka nakakalimutan ninyong may kasama kayong babae rito.” Pagbasag ni Lorie sa usapan ng mga lalaki niyang kasama. Katabi niya si Drew sa umpukan.

“Oh, andyan ka pala? Bakit di ka nagsasalita?”

“Che, umayos ka nga Leo Manalac! At kayo, wag ninyong takutin si Papa Drew at baka di na siya sumama sa ‘tin. Ayos ka lang ba Papi?” Pang-iismid ni Lorie kay Leo, habang inakbayan nito si Drew. At muling naghiyawan ang mga kasama nila.

“Drew, yung phone mo nagba-vibrate. Aren’t you gonna answer that?” Tinawag ni Lorie ang pansin ni Drew, habang sinisimulan nitong pasimpleng himasin ang hita ng huli.

Natigilan si Drew nang naramdaman niya ang kamay ng babaeng katabi niya. Tila natauhan siya at napagtanto na hindi siya dapat pumayag na sumama sa lakad na yun.

“Guys, excuse me lang.” Dali-daling pagtayo ni Drew mula sa kinauupuan niya, habang kinukuha ang cellphone sa bulsa.

“Ay, anong nangyari dun?” Naging bulungan ng mga taong naiwan sa mesa. Nanatiling tahimik si Lorie habang pinanood si Drew na palabas ng kwarto kung nasaan sila.

Pagkalabas ni Drew sa kwarto, tiningnan niya ang phone. 4 missed calls and 2 text messages na puro galing kay Cal. Dinedma ni Drew ang mga ito at sa halip ay iba ang tinext nito.

“Sorry, I have to go. Something came up. I’ll pay my share on Monday.” Nabasa ni Raffy ang mensahe na ipinadala ni Drew.
__________

“I went all the way to Makati when I don’t feel like it, for this?” Tanging naging reaksyon ni Mike nang nalaman niyang na-cut short ang event na hinohost niya, dahil may isang bandang nag-back out.

“Mukhang sinumpong na naman si Jag. Hay naku, kung di lang talaga malaki ang utang na loob ko sa tatay niya, ayoko nang kunin yung banda niya sa mga events natin.” Naulinigan ni Mike ang isa sa mga organizers ng event na naglabas ng pagkadismaya sa kausap nito.

“Oh well, thank heavens that there’s at least one rotten kid in this side of the universe.” Napangiti na lang si Mike at tinungo na nito ang exit.

May konting jitters si Mike habang nasa entablado siya. He had to improvise dahil ang original script ay para sa kanilang dalawa ni Monique. Gayumpaman, masasabi niyang nairaos niya ang pagho-host ng event. Hindi rin halos pinansin ng mga taong andun ang mga konting pagkakamali niya dahil mukhang mas inaabangan ng audience ang mga bandang magsisipag-perform. Laking disappointment nga lang ng mga nagsitungo nang napabalitang di magpe-perform ang Jagged Lines, ang banda kung saan frontman si Jag, ang pangalang na-mention ng organizer kani-kanina lang.

Sinadya muna ni Mike ang Mercury Drug upang bumili ng mga junk food at softdrinks, bago siya tumahak pabalik ng kanyang condo sa Mandaluyong at magkulong dito all weekend. Buo na sa isipan niya ang plano nang sa papalapit niya sa pinto ng botika ay may bumangga sa kanyang lalaki. Napanganga siya nang makita niyang pabagsak sa lupa ang lalaki.
__________

Paglabas ng Kuwagos, napagdesisyunan ni Drew na pumunta sa malapit na Mercury Drug upang bumili ng mineral water at baka sakaling mabawasan ang tama sa kanya ng alkohol.

Habang naglalakad ay malayo ang tinatakbo ng isipan ni Drew. Sinadya niyang iwasan si Cal kahit sa tawag o text dahil alam niyang baka hindi niya mapipigilan ang sarili sa oras na harapin niya ito. Akala niya na magandang paraan ang pagbababad niya sa opisina at ang pagsama sa lakad ng mga teammates. Bagama’t panandalian siyang naaliw sa mga naging kasama niya, tila nabuhusan siya ng malamig na tubig nang napagtanto niyang sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay nakainom siya. At sa saglit na insidente niya na kasama ang ka-opisinang si Lorie, alam niyang maaaring nag-open ito ng can of worms. Pag naglaon, pwede ‘tong maging mitsa upang malaman sa opisina ang sikreto niya tungkol sa kanyang sekswalidad.

Sa paglabas niya ng Mercury, malalim pa rin ang pag-iisip niya at di niya napansin na may lalaking pasalubong sa kanya at nabangga niya ito. Nawalan si Drew ng composure at tila babagsak siya sa lupa kundi lang maagap ang pagkakaalalay sa kanya ng lalaking nabangga niya.

Tila nangyari na sa panaginip niya ang tagpong iyon at napatingin si Drew sa mukha ng lalaki. Bagama’t alam niyang astigin ang kaharap niya base sa pagkaka-dreadlocks ng buhok nito at ang suot nitong hikaw sa kilay, mukhang maamo ang mukha nito at tila may mapang-akit na mga labi na animo’y nakangiti sa kanya.

Natauhan si Drew at kumawala sa kanya ang kanyang kinaing sisig at ininom na dalawang bote ng Red Horse.

__________

“Fuck!” Isang malakas na sigaw ang kumawala kay Mike nang napagtanto niyang nasukahan siya ni Drew.

“I’m really sorry.” Paulit-ulit na binitawan ni Drew habang inalok nito kay Mike ang kanyang panyo.

“I get it. If you’re gonna drink, make sure na kaya mong panindigan. God, there oughta be a law banning irresponsible drinkers.” Tinanggal na ni Mike ang nasukahang hoodie nito at tanging puting T-shirt na lang ang suot niyang pang-itaas.

“I’m sorry. I don’t really drink, but for tonight I just had to.” Halos pabulong na sabi ni Drew, habang pinipigilan nitong maglabas ng anumang emosyon.

Natahimik si Mike nang narinig niya ang huling pahayag ni Drew. Bagama’t tila walang mabakas na emosyon sa kausap, na-sense ni Mike ang mumunting kirot sa binitawan ni Drew. Tila pamilyar sa kanya ang ganung tagpo at maski papaano ay sapat eto upang maibsan ang pagkainis niya noong mga sandaling iyon.

“Look, I’ll be a bad Samaritan if I leave you just like that. Wanna stay somewhere in the meantime? 24/7 yung Wendy’s just across the street.”

“Nah, I’ve had enough woes for tonight. It’s best that I call this a night.”

“So where do you live?”

“Dyan lang sa may Bagtikan. I’m sorry, you don’t have to go through the trouble.”

“Well, you just puked on my favorite hoodie, so adding some more trouble won’t make much of a difference. As I’ve said, I can’t leave you in that state. Someone might pick you up.” Pabirong hirit ni Mike, na tila tinubuan na ng katiting na concern dun sa kasama.

Nagpara si Mike ng taxi at si Drew na ang nagbigay ng direksyon sa driver.

__________

“Magkapatid ba kayo?” Pagbasag ng manong sa nanuot na katahimikan sa loob ng sasakyan niya. Parehong nasa likod nakaupo sina Drew at Mike.

“Manong naman. Paano mo nasabi yun?” Pagkaaliw ni Mike sa naituran ng manong sa kanila. Si Drew naman ay nanatiling tahimik at tinatantya pa rin ang sarili upang siguraduhing hindi siya magsusuka sa loob ng taxi.

“Wala naman. Pareho kayong payat eh, tapos pareho pang maamo mukha ninyo. Kaso ikaw ang gulo ng buhok mo. Siya siguro yung kuya no. Mukha ka kasing pasaway para maging kuya niya eh.”

Sa loob-loob ni Mike, natatawa siya sa kadaldalan at kasabawan ng taxi driver. Napag-isipan nitong panindigan na niya ang pagkakakilanlan sa kanila na magkapatid sila ni Drew. Mahirap na at baka mapagsuspetsahan pa siya oras nang malaman ng driver na di sila magkakilala at sabay na nakasakay sa taxi nito. Yun nga lang, hindi pa rin niya alam hanggang ngayon ang pangalan ng kasama.

“Palabiro ka talaga Manong. Pasensya ka na sa “kuya” ko ha. Hindi kasi siya sanay uminom. Kuya, keep your head upright. No no, just keep it steady.” Napapasandal ang ulo ni Drew sa balikat ni Mike. Bagama’t nababahala siya na baka magsuka na naman ang kasama, wala na ring magawa si Mike sa ganung pagkakapwesto ni Drew.

“Kuya, I can’t exactly remember where you live. Tell manong where to drop us off.” Muling inistorbo ni Mike si Drew. Noong oras na yun, sinisikap niyang maging kalmado, bagama’t anumang minuto ay magfi-freak out na siya dahil di niya kilala ang kasama at di niya alam kung saan eto nakatira.

“Diyan na lang manong. Keep the change.” Bagama’t medyo bangag pa, inabot ni Drew ang P100 sa driver at binuksan na ni Mike ang pinto sa safe side. Inalalayan nito si Drew palabas ng taxi at kinawayan nito ang manong bago ito bumwelta.

“Now kuya, where exactly do you live?” Natuon ang atensyon ni Mike sa babangag-bangag pang si Drew, pagkaalis ng taxi.

__________

“Beks, salamat at nakapunta ka kahit short notice.”

“Hay naku bes, buti na lang at umabot pa ko sa last train ng MRT. Ikaw kasi, sabi mo emergency. Ayun, buti nakatakas ako dun sa nightmare of a date na yun.”

“Oo na, ikaw na ang may love life.”

“Buti nga sana kung may tumatagal. Kaso eto, panay first date lang. Nauubos na ang kaban ng yaman ko sa mga boys na yun. Hemmingway, ano pala ang atin?”

Best friend ni Karen since high school si Toff. Dumaan sila sa phase na madalas silang kinakantiyawan ng mga kaklase nila dahil sa kakaibang closeness nila. Nariyan yung pinagkaisahan silang gawing class muse at escort for 4 straight years. May mga hinarap din silang pagsubok sa kanilang pagkakaibigan, subalit nagawa nila ‘tong pagtagumpayan.

“Medyo mahabang kwentuhan ‘to eh. Pwede bang dito ka muna mag-sleep over? Di kita gagahasain promise.”

“Paano yan, wala akong dalang night gown. Di mo naman sinabing bahay-bahayan ang laro natin tonight.”

“Tingnan ko kung may naiwan na damit dito yung pinsan kong si Adam. Baka kasya na sa yo yun, basta wag ka lang huminga. Alam kong maselan ka kaya wag kang mag-alala dahil mabango yung pinsan kong yun. And ipagpapaalam ko pala dun sa isa kong pang pinsang si Drew na dun ka sa kwarto niya makikitulog. Siya na kasi yung gumagamit ng guest room eh. Wag mo lang yung gagahasain ha.”

“I can’t promise, lalo na pag may yumminess sa harapan ko. Must. resist. urge.”

“Luka-luka ka talaga, Kristoffer Villegas. Wag mong pagnasaan ang pinsan ko. Parang ako na rin ang pinagnasaan mo pag nagkataon.”

“Feelingera. Sabi ko na nga ba’t di ka pa rin maka-get over na nabasted kita noon eh.”

“Hay naku teh, i-bring up ba ang past.”

“Oo tamang-tama, ikaw ang past. Baka dito ko rin makilala ang future ko. Chos! Hahaha!”

“Gaga, di ka papatulan ng pinsan ko. Alam kong straight yun.”

“Tingnan natin. Ewan ko lang kung matanggihan niya ang taglay kong alindog. Kahit straight kuno, napapabaluktot nito.”

Sa taglay nitong matipunong katawan at lalaking-lalaking features, at kahit sa pananalita at pagkilos nito, ay hindi halata na lalaki rin ang hanap ni Toff. Bagama’t nilantad na niya ang kanyang sekswalidad sa karamihan sa mga kakilala niya, kay Karen lang ‘to naglalabas ng kanyang “loud” na side. Kinasanayan na ito ng dalaga sa lalaking minsan na niyang natipuhan nang husto.

“Siraulo ka talaga. Teka lang, may kumakatok ata.” Pabirong binatukan ni Karen si Toff, bago nito tinungo ang front door ng tinutuluyan niyang unit.

__________

Inakbayan ni Mike si Drew habang inalalayan ito sa unit kung saan ito tumutuloy. Laking mangha ni Mike nang sa pagbukas ng pinto ay nakakita siya ng mga pamilyar na mukha.

“Kuya Mike? Napasyal ka? Paano ka napunta rito?” Sunud-sunod na tanong ni Karen nang pagbuksan ito ng pinto. Nagulat siya sa di inaasahang bisita.

“Karen? Toff?” Di makapaniwalang pagbanggit ni Mike sa pangalan ng mga nadatnan niya.

“You know them, Kuya?” May pagkabigla pa rin sa mukha niya nang natuon ang pansin nito sa kaakbay niyang si Drew.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.